Ang Pahayagang Plaridel
СтатистикаAng opisyal na pahayagang pangmag-aaral sa ng Pamantasang De La Salle.
- Последний пост
- 14 авг.
- Последнее чтение
- 15 авг.
- Постов за неделю
- 24
- Всего постов
- 31
- Тип
- открытый
- Язык
- tl
- Категория
- Образование (по похожим)
- В каталоге с
- 13 авг.
- 1/24сутки в ленте
- 43
- 1/48двое суток
- 49
- 1/72трое суток
- 53
Оценка по просмотрам недавних постов: пост набирает почти всё за первые сутки.
Посты
ILILIPAT sa online mode ang lahat ng nakatakdang pagsusulit sa Agosto 15 at 17 hanggang 19 bilang contigency plan ng Pamantasan sakaling mag-anunsiyo ng suspensiyon ng face-to-face na klase bunsod ng pag-ulang dulot ng Habagat, Agosto 14. | mula Office of the Provost
SINUSPENDE ng Metro Manila Development Authority ang pagpapatupad ng number coding scheme dahil sa patuloy na pagbugso ng ulang dala ng Habagat ngayong araw, Agosto 14. | mula MMDA
без подписи
ILILIPAT sa umaga ng Agosto 19 ang mga nakatakdang pagsusulit sa kampus ng Maynila at Laguna ng De La Salle University ngayong hapon, Agosto 14. Bunsod ito ng suspensiyon ng in-person na klase mula sa Malacañang. Kaugnay nito, iuurong sa ika-1:00 n.h. ang pagsisimula ng mga nakatakdang pagsusulit sa hapon ng Agosto 19. Mananatili namang bukas hanggang ika-3:00 n.h. ang akses sa kampus ng Maynila ngayong araw, Agosto 14. | mula Office of the Provost
ISINAILALIM sa ORANGE heavy rainfall warning ang Metro Manila, Zambales, Bataan, at ilang bahagi ng Pampanga, Bulacan, Cavite, at Batangas bunsod ng Habagat kaninang ika-11:00 n.u., Agosto 14. Itinaas naman sa YELLOW heavy rainfall warning ang Tarlac at ilang bahagi ng Laguna, Pampanga, Cavite, Rizal, at Bulacan. | mula PAGASA-National Capital Region PRSD
IPINATUTUPAD ang alternative work arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning mode sa mga paaralan sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, Agosto 14. Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 126 ng Malacañang. Kabilang sa mga apektadong lugar ang National Capital Region, gayundin ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, at Occidental Mindoro. | mula Official Gazette of the Republic of the Philippines
NANGIBABAW ang De La Salle University-Manila sa listahan ng top performing school sa August 2026 Mechanical Engineers Licensure Examination matapos makamit ang 87.50% passing rate kompara sa naitalang 36.95% national passing rate. Pumuwesto naman ang Lasalyanong si Eiji Johann Dee sa ikatlong ranggo tangan ang markang 91.25%. Gayundin, nakamit ni Patrick Andrei Raquel ang ika-10 puwesto na may markang 88.50%.
без подписи
GINAWARAN ng unang parangal ang “Karatig-Tubig” ni Kizabelle Lopez Aromin sa kategoryang dokumentaryo ng ika-38 Gawad Alternatibo Film Festival na ginanap sa Shangri-La Plaza ngayong araw, Agosto 13. Pinangunahan ni Aromin ang pagbuo ng dokumentaryo kasama ang mga Lasalyanong sina Vian Leonardo, Andrea Estrella, Kirsten Lei Ventenilla, Sophie Guillermo, at Harvey Chua. | Retrato mula Boya Productions
без подписи
ISINAPUBLIKO na ang iskedyul ng 2026 V-League Collegiate Challenge, Agosto 13. Unang makahaharap ng DLSU Green Spikers ang NU Bulldogs sa Gameville Central Park sa ika-5:00 n.h. sa Linggo, Agosto 16. #VLeaguePH #WhereItAllStarted | mula V-League
KINOMPIRMA ng De La Salle University (DLSU) ang insidente ng pagkahulog ng isang incoming na estudyante ng Pamantasan mula sa isang gusali sa kampus ng Maynila, Agosto 13. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DLSU sa magulang ng estudyante at sa mga awtoridad. Isinailalim din sa counseling ang mga estudyanteng nakasaksi ng naturang insidente. Hinihiling naman ng Pamantasan sa publiko ang pagbibigay respeto sa estudyante at sa kaniyang pamilya sa panahong ito. | mula De La Salle University
ILILIPAT sa Agosto 19 ang mga nakatakdang pagsusulit mula ika-12:00 n.t. sa kampus ng Laguna ng De La Salle University alinsunod sa pagsuspende ng in-person na mga klase mula sa lokal na pamahalaan ng Biñan, Agosto 13. Mananatiling bukas hanggang ika-3:00 n.h. ang akses sa naturang kampus. | mula Office of the Provost
KANSELADO ang mga face-to-face na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan sa Biñan, Laguna simula ngayong hapon, Agosto 13. Inaabisuhan naman ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Delivery Mode sa pagdaraos ng mga klase. | mula Mayor GEL Alonte
IPAGPAPALIBAN sa Agosto 19 ang mga nakatakdang pagsusulit mula ika-12:00 n.t. sa kampus ng Maynila ng De La Salle University bunsod ng suspensiyon ng in-person na mga klase mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila, Agosto 13. Mananatiling bukas hanggang ika-3:00 n.h. ang akses sa naturang kampus | mula Office of the Provost
SINUSPENDE ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga face-to-face na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod simula ika-12:00 n.t., Agosto 13. Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dala ng Habagat. Inaabisuhan naman ang mga paaralan na magpatupad ng alternatibong paraan ng pagdaraos ng mga klase. | mula Manila Public Information Office
PALALAWIGIN ang pamimigay ng libreng almusal sa Yuchengco Cave tuwing ika-6:30 n.u. hanggang Agosto 14 bunsod ng suspensiyon ng face-to-face na klase nitong Agosto 10 at 11. | mula AnimoSpace
INAKYAT sa YELLOW heavy rainfall warning ang Metro Manila, Zambales, Bataan, at ilang bahagi ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, at Rizal bunsod ng Habagat kaninang ika-5:00 n.h., Agosto 12. | mula PAGASA-National Capital Region PRSD
SARADO ang Lasallian Pastoral Office bunsod ng kanilang taunang team building sa Agosto 14. Gayunman, ipagpapatuloy naman ang selebrasyon ng Banal na Misa sa ika-12:00 n.t. sa naturang petsa. Babalik ang operasyon ng opisina sa Agosto 17.
ITITIGIL ang operasyon ng P2P bus service ng N. Dela Rosa Liner patungong South Station Alabang mula Agosto 20 hanggang Setyembre 2. Maglalabas naman ng anunsiyo ang Support Services Office hinggil sa pagbabalik ng operasyon ng kompanya bago ang Setyembre 1.